Eyebags
Ilang araw ng mulat ang aking mata kahit mag-uumaga na...
samo't saring dahilan...
nariyan ang paglisan ng kaibigan tungo sa pula't puting watawat...
nariyan ang pagsagot sa sudoku...
nariyan ang pagtapos sa mga reports at kung anu-anong gawain sa eskwela...
nariyan ang pag-edit at pag-aayos ng mga larawan...
nariyan ang kape at usapan kasama ang mga kaibigan...
nariyan ang panonood ng mga series na lubhang nakakaadik...
nariyan ang walang sawang kakapindot sa celfone...
nariyan ang paggawa ng diary na dapat noon pa...
nariyan ang pag-iinternet...
gaya ngayon andito ulit sa IYA hall, nakikigamit sa pasilidad ng mga inhinyero...
(salamat nga pala chuck sa pag-imbita at pag-aayos ng aking laptop)...
bukas mulat muli ang aking mata para sa thesis...
mahirap labanan ang pagnanais na huwag magpuyat dahil minsan pakiramdam ko kulang na kulang ang isang araw sa buhay ko...
kaya ginagawa ko ang lahat para maisabuhay ang mga gawaing gusto ko...
kaya huwag ng magtaka sa namumuntog na laman sa ilalim ng mata...