Now Showing
PERO MINSAN
Isang Hapon ng Kadramahan
Ang hirap lumimot
Lalo na pag tinutukso ka ng mga imahe ng kahapon
Minsan akala mo ok na
Minsan akala mo wala na
Pero minsan,
Ang gulo…
Pero mabuti narin ang minsan kesa lagi
Minsan napakasarap lunurin ang sarili sa trabaho
Ngunit minsan ayaw ko rin ito
Masarap din kasi ang petiks lang
Magulo ba talaga?
Ganito nalang
Ok lang ang mga panahong may mga “minsan”
Ang mahalaga masaya ako ngayon…
OO, walang biro
Pero oo nga noh, may kalungkutan din pala ang minsan…
Ayan na naman ang minsan…
Ayos lang
Sarap mabuhay!
Yung tipong mapapasigaw na ako sa tuwa at may talon-talon pa
Yung tipong tatambling na ko pero wag nalang
***drama post para ngayong araw ng mga puso… gabing-gabi na andito parin ako sa opisina… kalungkot dahil hindi ako natuloy sa isang masaya sanang selebrasyon… marami pang ganito sa susunod… pero ayos lang… bawi nalang ako minsan… ayan na naman ang Pero Minsan…
0 Response to "Now Showing"
Post a Comment